Huwebes, Enero 12, 2017

Magagandang Tanawin sa Africa


ANG MGA MAGAGANDANG TANAWIN SA AFRICA



Ang Aprika ay ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.

Ang kontinenteng Aprika ay ang ikalawang pinakamalaki at may pinakamataas na populasyon sa mundo. Sa sukat na 30.2 milyon kilometro kwadrado (11.7 milyon kwadrado milimetro), kasama na ang mga katabing isla nito, binubuo nito ang 6 na porsyento ng kabuaan na kalupaan ng mundo at 20.4 porsyento ng kabuuang sukat ng patag na kalupaan. Ang populasyon nito na umabot sa 1.1 bilyon noong 2013 ay 15 porsyento ng kabuuang populasyon ng mundo. Ang kontinenteng ito ay pinalilibutan ng Dagat Mediteranyo sa hilaga, Kanal Suez at Dagat Pula sa may Peninsula ng Sinai sa hilagang-silangan, Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at ang Karagatang Atlantiko naman sa kanluran. Kabilang ang Madagascar at ilang mga kapuluan sa kontinente ng Aprika. Mayroong 54 na kinikilalang mga estado o bansa sa Aprika, siyam na teritoryo at dalawang de facto o mga estadong may limitado o walang rekognisyon sa kontinenteng ito.



                   

 TABLE MOUNTAIN - Ang Table Mountain ay isang patag na bundok na tinatanaw ang lungsod ng Cape Town sa South Africa. Ang bundok na ito ay may higit 1470 na floral species. Ang bundok na ito ay kilalang tourist attraction sa South Africa at kadalasan itong inaakyat ng mga turista.



THE PYRAMID AND THE SPHINX Nakatayo ang Nekropolis ng Giza sa Talampas ng Giza, sa labas ng Cairo, Ehipto. Kabilang sa komplehong ito ang mga lumang monumento ng tatlong piramide na kilala bilang ang mga Dakilang Piramide, kasama ang malaking eskultura na Dakilang Sphinx. Matatagpuan ito mga 8 km (5 mi) sa loob ng lupain patungo sa ilang mula sa lumang bayan ng Giza sa Nilo, tinatayang 25 km (15 mi) timog-kanluran ng gitnang lungsod ng Cairo. Isa sa mga monumento, ang Dakilang Piramide ng Giza ay ang natitirang monumento ng Pitong mga Kahanga-hangang sa Lumang Mundo.



MADAGASCAR - Ang Republika ng Madagascar o Madagaskar ay isang walang hangganang pulong bansa sa Karagatang Indiyan, sa labas ng silangang pampang ng Aprika. Ang Madagascar ang ika-4 na pinakamalaking pulo sa daigdig. Tahanan ito ng limang bahagdan ng mga specie ng halaman at mga hayop sa buong mundo, 80 bahagdan nito ang matatagpuan sa Madagascar lamang. Ilan sa mga halimbawa ng biyodibersidad ang mga pamilya ng mga primate na lemur at kanyang mga punong baobab.



VICTORIA FALLS - Ang Victoria Falls ay isang waterfalls sa Southern America sa may Zambezi River. Ito ay inilarawan ng CNN bilang isa sa Seven Natural Wonders of the World. 



CAPE OF GOOD HOPE - Ang Cape of Good Hope ay pinaniniwalaang naghahati sa Atlantic at Indian Oceans. Ito din ay parte ng Table Mountain National Park kung san ito ay tinitirahan ng ibang species ng antelope, pati na rin ang four cape mountain Zebra. Ang Cape of good hope ay ang maalamat na tahanan ng The Flying Dutchman.



SOSSUSVLEI SAND DUNES - Ito ay salt at clay pan na pinapaligiran ng pulang burol ng buhangin na makikita sa bandang timog ng Nimab Desert sa Namib-Naukluft National Park ng Namibia. Ito ang pinakamataas na sand dunes. Ang Big Daddy naman ang pinakamataas na burol ng buhangin sa Sossusvlei area na may sukat na 325 meters.



• THE SOUTHERN CROSS - Ito ay isang constellation sa Southern sky. Kilala ito bilang isa sa pinakamagandang ayos ng bituin sa Southern hemisphere. Nakuha nito ang pangalan niya sa mga bituin na bumuo ng krus sa langit. Ito ang pinakamaliit sa lahat ng constellation. 

5 komento: